Kagawaran ng Paggawa

Dayuhang Kasambahay

Mga Dapat Tandaan sa Pagsusulat ng Porm ng Pagtatanong/Reklamo at Sumbong

1. Mangyaring kumpletuhin ang porm sa abot ng iyong kaalaman. Ang impormasyon na ibinigay ay lihim na iingatan. Kung hindi kayo makakapagbigay ng sapat na impormasyon, hindi namin magagawang iproseso ang inyong pagtatanong/reklamo at sumbong ng maayos.

2. Mangyaring maglakip ng mga may kaugnayang dokumento/pruweba sa porm (kung mayroon).

3. Ang “Portal ng mga Dayuhang Kasambahay” ay nagproproseso ng mga datos sa panahon ng pagpapapadala sa network upang protektahan ang inyong pampersonal na datos.

4. Ang Kagawaran ng Paggawa ay isasangguni ang inyong pagtatanong/reklamo at sumbong sa ibang mga tanggapan ng pamahalaan, mga departamento at organisasyon kung ito ay mapapasailalim sa kanilang saklaw.

5. Kapag ang inyong pagtatanong/reklamo at sumbong ay matagumpay na naisumite, kayo ay makakatanggap ng numerong reperensya upang mapadali ang mga pagtatanong sa darating na panahon.


Pahayag sa Pagkuha ng Kaalamang Pampersonal

Pakay ng Pagkuha

1. Ang mga personal na datos na nakolekta sa porm na ito ay ginagamit para sa layunin ng paglalapat ng Ordinansang Pang-empleyo (Kap. 57) at ang Kautusan sa Kabayarang Danyos sa mga Empleyado (Kap.282), at ang pagsisiyasat sa mga pagsunod ng mga amo sa Kontrata ng Pamantayang Empleyo (ID 407) pati na ang pagbibigay ng suporta at tulong na may kinalaman sa inyong pagtratrabaho bilang isang dayuhang kasambahay sa Hong Kong.


Mga Klase ng Lumilipat

2. Ang mga personal na datos na inyong ibibigay ay maaaring maihayag sa mga ibang mga departamento ng pamahalaan o tanggapan (hal. Ang Hukbo ng Kapulisan ng Hong Kong, Kagawaran ng Imigrasyon, atbp.) Para sa mga layuning binanggit sa parapo 1.


Pagtunghay sa Pampersonal na Datos

3. Kayo ay may karapatang makatunghay at maiwasto ang inyong personal na datos na gaya ng ibinibigay sa ilalim ng Pampersonal na Datos (Pampribado) na Kautusan (kap.486) Ang paghiling para makatunghay at maiwasto ang iyong personal sa datos ay dapat gawin sa pagsulat sa Foreign Domestic Helpers Division ng LD (Address: 16/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon).


Mga Pagtatanong

4. Para sa mga pagtatanong sa pagkolekta, pagtunghay at pagwawasto ng inyong personal na datos, mangyari lamang na i-adres sila sa Foreign Domestic Helpers Division ng LD.

Address: 16/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon

Numero ng Telepono.: 3582 8989